Posts

Reaksyong Papel

 Ang kwentong "Minsan May Isang Doktor" na isinulat ni Rolando A. Bernales ay isang nakakaantig at nakakalungkot na kwento. Ipinapakita nito ang sakripisyo ng isang doktor na, sa kabila ng kanyang sariling pinagdadaanan, ay patuloy na ginampanan ang kanyang tungkulin. Dahil sa madalas nating paghusga nang hindi nalalaman ang buong storya ay nakakasakit na pala tayo nang iba. Sa simula palang, nakakainis na ang ama ng bata ngunit nakakalungkot rin dahil sa sitwasyon ng kanyang anak na naghihingalo. Ngunit hindi parin tama ang kaniyang mga sinabi sa doktor. Mas lalo itong nakakalungkot dahil namatayan ng anak ang doktor ngunit hindi parin sya nag dalawang isip na tumulong sa iba, inuuna nya parin ang kaniyang tungkulin bilang isang mabuti at matulungin na doktor. Ang storyang ito ay nakakalungkot ngunit nakakataba ng puso dahil meron pa palang mga tao na inuuna parin ang kanilang tungkuling mapabuti at matulongan ang iba kahit na meron rin silang kinakaharap na problema sa kan...